Pano nga ba ?

Naulan nanaman .. nadapo nanaman ang malamig na simoy ng hangin sa madilim na balat na meron ako (lait intended). Wala lang.. nais ko lang ulet manggulo sa mga masugid kong readers (ako lang din namam yon) sa isa kong mapanggulong isipan..

Nakakainis ang mga taong sinungaling.. naging sinungaling din naman ako.. pero nung naramdaman ko pano mapagsinungalingan.. masakit pala no ? .. yung kahit anong sabihin nya nahihirapan kang pilitin ang sarili mong maniwala.. twing may pangako sya, hindi ka naasa kase aasahan mong nagsisinungaling lang sya. Yung ihahanda mo yung dibdib mo sa pagkakadismaya at sa biglaang sakit ng panlilinlang ng isang taong dimo naman magawang iwanan.

Napakahirap ibalik nung OLD SELF mo , yung taong ikaw bago kapa man pagmukhaing tanga ng mga taong binigyan mo ng tiwala, puso at pag asa? Yung dating ikaw.. yung dating ako..

Lagi mong iisipin, pano ko ba poprotektahan ang sarili ko sa taong diko kayang iwanan? Pano ko ba magagawang maging matibay sa mga nakakadismayang  gawain ng mga taong iyong pinahahalagahan? Pano ba mabawi yung damdaming pinuhunan mo sa mga taong nagpakita sayo na di nila sasayangin ang pagkakataon makapasok sa puso mo? Pano nga ba ..?

Maaring kasama ng buhay ang sakit at pighating dala ng kasinungalingan. Tama talagang dito manggaling ang kaalaman pano mo igagalaw ang utak mo habang ang puso mo ay sugatan, dito mo matutunang yakapin ang pagsubok at tiisin para sa kinabukasan mo.. marahil dito nga nakasalalay ang ugat ng pagiging tao mo. Marahil tama nga sila.. wala talaga tayong paraan para maiwasan ito .. nakatadhana siguro talaga tayong masaktan at matuto..

Ang sakit sakit lang din kasing isipin na bakit nga ba kailangan nating maramdaman ito samantalang nagbigay tayo ng isang daang pursyento ng tiwala at isang daan pursyentong pruteksyon sa pagdududa… bakit ba ganon.. bakit ba .. bakit ba hindi patas ang laban ng mundo.. bakit ba hindi patas ang ibang tao..

Ang paniniwalang hindi ka kakainin ng leon dahil hindi mo sya kinain ay isang katangahan.

Oo. Alam ko, alam ko naman na hindi lahat ng tao ay mabuti, hindi lahat masama.. pero mahirap ba pagbigyan at hilingin sa tadhanang kahit minsan , i-iwas kanaman nya sa sakit ng damdamin? Hindi ba nya alam na dahil diti ay unti unti kang nagbabago atnnagiging isang bato? Bakit ba tila walang nakikinig sa mga hinaing ng mga pusong nasusugatan? Bakit parang ang hirap umahon.. bakit nakakalunod ang sakit ngunit hindi nakakamatay..? Bakit ang sakit sakit..

image

“Just Live”

Advertisements

When you feel like…

Have you ever felt so lonely that it feels so empty deep inside?? That there’s one thing from the world that keeps on hurting you ? You keep on searching how to fill those empty spaces of your emotionless soul? And cant find any answers because it really doesnt exist.

You didnt?

Well, maybe because, your existence matters but mine doesn’t.

Roilz Cedric Pantaleon

Shawarma 🍴

May isang napaka gandang babae ang nakatira sa isang napaka laking mansyon kung saan dun na sya lumaki at nagka isip..

Pero wala po syang kinalaman sa topic ng blog post kong ito. Kahit yung title wala din kuneksyon sa topic ko, yan kase yung huling kinain ko bago ako mag sulat ng wala nananamang kakwenta kwentang mga bagay na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. (Ang baho nya talaga,ayaw maalis ng amoy sa bibig ko, kahit uminom nako ng mraming sweet shakes. Buti pa ang shawarma hindi basta basta nasuko)

Anyway, lagi ko iniisip kung meron ba talagang TOTOONG KAIBIGAN? Marami naman akong nababasa na meron daw? Siguro malas lang ako kase medyo.mabilis akong magtiwala at maniwala sa mga gagong tao (Insert “mabaet ako promise” smiley) o baka naman wala naman talaga?

Hindi ko din naman kase masabi, though im just 20 years old you know and hindi naman ako pwede mag conclude na wala agad at marami pa kong kakaining bigas at ulam. Marami pakong makikilala at makakasalamuha. Nakakapanlumo lang na sa gantong edad, nakita kona yung realidad ng mundo. Nawala na yung pagiging idealistic ko, sa tingin ko napalitan ng pagiging realistic at practical thinking (na nagrereflect sa mukha dahil di nako mukang 20. I respectfully blame it to the government). Naging less yung faith ko sa mga tao, nagkaron nako ng trust deficiency (at hindi sya nagagamot ng berbran) na tingin ko sa lahat ng tao ay hindi mapagkatiwalaan, nagkaron narin ako ng isolation of own existence, na mas naeenjoy ko yung oras ko na mag isa kesa may kasama at marami nakong nakuhang sakit dahil sa mga totoong KAIBIGAN daw.

I have learned that there might be someone out there who would somehow have your back for a while until its not benificial to that someone anymore. Things are getting tougher and tougher as we get older, though life is realistically simple, as we get older, we live it as complicated as we can just to feed our pride and get along so well in the commumity. And maybe, that’s why people are going crazy over things, sacrificing big valued things over stupid stuffs so they will be appreciated by the pack.

And im experiencing a lot of this right now. It makes me lonely actually, your existence, ofcourse, is important but its meaningless if you cant appreciate others’ value. Maganda din naman na sometimes you enhance your self-love pero hindi naman sapat yun to feed your emotions. You have to find someone na pwedeng sumalo ng iniisip mo (Obviously wala ako non dahil may blog ako) , na pwedeng makihati sa bigat na nararamdaman mo, na hindi mo masasabi sa sarili mo kase magmumuka kalang baliw kung mag open up ka sa sarili mo.

–Example–

Ikaw: mag open ako sayo.
Ikaw din: ano yun?
Ikaw: magtatanong kapa e alam mo naman.
Ikaw din: e bat nag sasabe kapang mag oopen ka?
Ikaw: eh bat nasagot ka ?
Ikaw din: EH GANYAN NAMAN KAYONG MGA MAYAYAMAN EH! MATAPOBRE ! *walks out*

–End of convo–

See? Thats what im talking about. Nagkaaway pakayo ng sarili mo kung ipipilit mo.

Nakakalungkot din naman ang walang kaibigan pero mas nakakalungkot ang kaibiganin ang isang taong hindi ka naman gusto maging kaibigan. Mas nakakadisappoint, mas nakakadurog at babaguhin ang pananaw mo, maraming epekto.

Siguro ay dapat maghintay akong mabiyayaan ng kaibigang kagaya ko. At tiisin nalang ang mga saloobin ko.. nandito naman ang blog ko habang wala pa ang mga KAIBIGAN KO.

Roilz Cedric Pantaleon

Mixed Contents #01

Just my typical mixed thoughts. Usually popping out in seconds then disappear. Whenever i feel like talking or i felt something inside me (not the natatae na feeling) that i really need to share cause it’s making me so sad, happy, natatae or anything and i think it’s not worth sharing on my social media accounts but i feel like sharing it but i don’t want to cause it’s literally weird but i have to but i don’t want to but… fucker. Tadaaa !!!!! My mixed THOUGHTS! 👦👨👴👮👷💂👲👳

THOUGHTS: People who thinks they’re mature enough are actually those who are still immature and selfish and terrible people.

–yes that’s right. I have read a cursing facebook friend’s post for his lover. Yes, i think they’re obviously having a misunderstanding.. he cursed and said so rated SPG lines to the unfaithful lover of him. The funny thing is.. This good friend of mine as he presents himself to me seems so chivalrous, God-fearing and a nice person you really would want to ve your bff (beastfucking friend) and he talked like he’s been into many problems that strengthen his metal stability and faith. In other words he is claiming that he’s mature.

–》 i just used him as my example .. no one’s ever gonna find out who he was for this blog doesnt exist to readers anyway hahahah (insert sad face)  back to the topic..

Most people are claiming they’re actually mature enough but cant even handle a simple emotional breakdown.. why? Does being true to the world is that hard for us? Why people are so afraid of admitting facts about theirselves but easy to declare lies given the fact that  they’re fully aware of it? So sad.

I don’t have any ideas to solve this problem of most teenagers nowadays and i dont have any intentions of helping them. I just love to ask questions when my mixed thoughts are activated and doesnt really care about anything. Im so busy fixing up my life so i dont have time to fix anyones. Hahaha

image

Roilz Cedric Pantaleon

Kung ako’y patay na.

Ano bang mangyayari kung mamatay ako ngayon? Ano kayang iisipin ng mga mahal ko sa buhay? Pano kaya ang tawa ng mga galit sa akin? Chismis ng mga damuhong chismosa? Reaction ng mga tinuturing kong kaibigan? Malulungkot ba sila?

Ang dami kong gustong malaman, andaming misteryo ng buhay. Kaya napagod na din akong mag usisa sa buhay ng iba eh dahil sa tingin ko mas marami pakong di alam sa sarili ko. 

Ang galing, nakaka mangha ang mga bagay bagay sa buhay, nakaka excite, nakaka buhay ng dugo, nakaka aliw at nakaka atat. Pero may isa akong gustong malaman sa mga bagay na gusto kong alamin. Paano nga ba kapag namatay na ako at natapos na ang oras ng aking pananatili sa pisikal na mundo.

Marahil malulungkot ang mga mahal ko sa buhay, si mama , mga kapatid, si papa? Mga kaibigan na totoo. Pero naisip ko kagaya lang siguro ng pag alala ko sa ma namayapa kong kapamilya, pagkalipas ng isa o dalawang buwan,  makakalimutan nako at mananatili sila sa pagiging masaya, dahil hindi lang naman sa akin naikot ang mundo, kailangan din nilang maging masaya dahil hindi din naman ako mabubuhay kung iiyakan nila ako sa mahabang panahon.

Malungkot pala kung iisipin, kapag namayapa at namahinga kana, magiging isa nalang din palang ala ala ang mga oras na nai ambag mo sa mundo, oras na napakahalaga sa paglago ng buhay mo at ma nagpasaya sayo ngunit makakalimutan din at maibabaon sa hukay kasama mo kapag ang paghinga mo ay tumila na din.

Eh pano naman kaya ang epekto nung pagkamatay ko sa mga taong kinaiinisan ako? Mga taong nagpapanggap na kaibigan ko? Mga taong tinik ako sa kanilang buhay? Tatawa kaya sila? Mabibigyan ko kaya sila ng kasiyahan na di mapantayan? Ano kayang gagawin nila? Pag uusapan ba nila ulit ang personal na buhay ko ? At ikakalat ang lahat ng alam nilang negatibo sakin kagaya nalang din nung ginagawa nila nung buhay pako?

“Mabaho kili-kili nyan nung kasama ko pa yan nung highschool eh” “bakla yan, nakita ko may boyfriend yan eh” “bobo naman kasi yan, dapat lang yan sa kanya” “yabang kase eh ayan namatay maaga”. Ayan ang mga bagay na maririnig mo siguro sa kanila buhay man ako o patay. Panghuhusga at paninira.

Pero hindi ako galit, nagpapasalamat pa ako kung ganon kase kahit papano, naipakita nilang importante ang pag eexist ko sa mundo. Dahil naibigay nila ang mahalagang oras ng buhay nila para pag usapan at pagkwentuhan ako. Marahil kung patay nako ngayon, magpapasalamat nalang ako sa kanila. Dahil kahit ganun ang binig nila , naging parte ako ng buhay nila.

Eto siguro ang aking liham para sa mga tao sa buhay ko..

Magandang buhay sa lahat ng aking kakilala sa mundong ito! Masaya akong pina aalam sa inyo na ang oras ng aking pamamalagi sa mundong ito ay tapos na. Masaya akong naibahagi ang aking oras at buhay sa inyo. Ang liham na ito ay para magpaalam ng pormal sa inyo.

Sa aking magulang, abay napakaswerte ko at kayo ang magulang ko. Hindi ako napariwara at kahit papano ay nasa tamang landas ang natahak ko sa buhay. Dahil yon sa inyong pangaral at pagmamahal, ito mismo ang nagtulak sa akin para akoy magpursige at mangarap. Akoy nahingi ng paumanhin sa mga sakit ng ulong naibigay ko, pighati at sama ng loob na naidulot ng katigasan ng aking ulo. Ngunit alam nyong kasama yon sa aking pagkatuto aa laban ng buhay. Nagabayan nyo ako ng tama at gagamitin ko ang aking huling hininga para sabihin sa inyo na mahal na mahal ko kayo at maraming salamat po. Naging masaya ako sa buhay na ibinigay nyo sa akin at kung pagbibigyan ako ulit ng pagkakataong mabuhay, kayo parin ang magulang na pipiliin ko. Alagaan nyo ang sarili nyo ngayong wala nako ako, wala ng magaalala at mangungulit sa inyong mag patingin sa doctor twing may nararamdaman kayong kakaiba. Tandaan nyo na mahal na mahal ko kayo.

Sa mga kapatid at kapamilya, maraming salamat sa inyong kontribusyon sa buhay ko, hindi ako magiging masaya kung hindi kayo nakigulo sa mundo ko. Sakitan at tampuhan man ang nangyare eh alam naman nating maha naten ang isat isa kaya sa aking pagalis , dalangin koy sanay makamit nyo rin ang pangarap na inyong nais.

Sa mga kaibigan, dun muna ako sa totoong nagmahal at nagbigay ng pag aalala at importansya, ako nagpapasalamat din sa inyong pagbahagi sa akin ng kasiyahan at kaguluhan nyo. Buong buhay ko naghanap ako ng taong masasandalan at alam kong dinyo ako iniwanan.

Sa aking nag iisang mahal, naway makuha mo ang kasitahan na nais mo ngayong wala na ako. Hindi nako magseselos kapag nagmahal ka ng iba at sana wag na kamukha ko ang mahalin mo. Salamat sa pagmamahal at oag aalaa at sa lahat ng pinagsamahan, napatunayan kong my forever dahil dika nawala sa tabi ko ano mang nangyare sa buhay ko. Pagkalugmok o pagahon kasama kita, iyak tawa at kabaliwan man ang naganap sabay tayong humarap. Maraming salamat dahil sayo kumpleto ako. Mahal na mahal kita. Lagi kitang babantayan hanggat pwede.

Sa mga galit sa akin at mga kaaway, nais kolang ipaalam na wala paren akong paki sa mga pinagsasabe nyo, naging masaya ang buhay ko nung wala kayo at naging thrilling nung andyan na kayo at ginagawa ang bagay kung san kayo magaling. Manira. Oh teka di ako galit, nais kolang magpasalamat sa mga oras at effort nyo para sa akin. Dahil kung di ako naging importante malamng dinyo ako pag aksayahan ng oras para pasikatin. Salamat.

Nais kong ipaalam sa inyo na hindi magiging makulay ang mundo ko kung may kulang sa inyo. Sa aking paghimlay akoy tukod tuhod na magpapasalamat sa pagsama sa masayng buhay na meron ako.

Namamaalam,
Ako.

— nkakakilabot pala yung mga sasabihin ko ano? Maluha luha pako nyan at kulang payan .. dibale kung sakaling may maisip ako idadagdag ko nalang. Ayoko na maging madrama. Gusto ko na ulit maging masaya. Dahil naibahagi ko na ito, maari nang sa ibang bagay bumaling ang utak ko.

Sa ngayon. HAYAHAY MUNA ANG BUHAY KO 😀

image

Roilz Cedric Pantaleon

Welcome to me !

image

I welcome myself to the world of blogging. Sa wakas.. nakakita din ako ng isang page kung saan ko maaring ishare ang thoughts at ideas na meron ako.. na hindi ko na kailangan pang isipin kung may pake ba ang magbabasa o wala.. haha once na mabasa mo yung pinagsasabe ko huli na ang lahat para umatras ka pa.. haha

Its so funny how i need this kind of site just to express freely what i want to express.. facebook or any social accounts are not good enough to share complicated thoughts and situations im in.. my adventures , my likes, my political views, perspective in life, comments and self issues and how i handle things that i cant share personally to whoever.. i know, i know this is an emotional introduction but thats why im making my own blogsite .. so that i can shout these things up ..

And to those who would visit this useless piece of junk (if there will be)..  thank you for reading my future blogs and my useless dramas.. it somehow ease my emotional problems.. it makes me feel that theres still someone who really understands what im up to and even if you guys dont understands everything.. you still lend me your precious time..thank you..

There’s no particular reason why i want this thing .. but im sure about something.. i want to speak up.. i want to be heard .. even in the loudest and roarest time of the earth.. somehow i might able to tell stories from my life.. so when i die.. i could be remembered .. the guy who never explains his self to anyone.. but explains a lot in his blog. Ahahaha

image

Im going to real here as real as a POTATO.

Why potato ?? I dont know. I dont have any ideas either. I wish i am a potato.

Roilz Cedric Pantaleon